BOY TAPANG KAY LJ SATTERFIELD: FAKE, TOXIC LOVE

Ibinahagi ng Cebuano content creator na si Boy Tapang ang ilan sa mga rason kung bakit nasabi niyang ginamit lang siya ni LJ Satterfield sa kanilang scripted na relasyon.

Isa rito, aniya, ay nang i-promote niya ang resort ni LJ na Casa Marqueza.

ADVERTISEMENT

"Inutusan pa ako na pictureran ako para daw sa resort nya para dadami ang mag avail sa resort haha syempre ako na tanga susunod rin 😆 sino nanggamit? 🥰" sey ni Boy Tapang, Ronnie Suan sa totoong buhay.

Isa pa, para pakiligin ang netizens at dumami ang followers ni LJ ay nag-post ito ng bouquet ng bulaklak at donuts noong Valentine's Day.

"Klarohin ko lang. HINDI AKO ANG NAGBIGAY NG BULAKLAK NA YAN. So alam niyo na? Kapal ng mukha noh? Nag pa as if pa na ako ang nagpadala. Ano ibig sabihin dyan? MANGGAGAMIT😆," paliwanag ng social media personality.

Idinagdag ni Boy Tapang na paulit-ulit ding sinabi ni LJ na wala itong boyfriend

ADVERTISEMENT

"Oo wala, yun pala meron haha sinabi na niya na may jowa sya nung umamin ako sa kanya na unti unti akong nahulog sa kanya. So ano ibig sabihin dyan? Dun palang nagsinunggaling na sya kasi gusto niya talaga sumakay sakin kasi matagal niya pangarap sumikat Haha kapal ng mukha noh?" aniya pa.

Humingi naman ng paumanhin si Boy Tapang sa netizens sa pagsisinungaling.

"Sorry, guys, nagpadala ako sa content. Isa sa rason bakit ko tinigil kasi 'di ko kaya magpanggap na fake love at toxic na babae. Hindi ko deserved 'to," sambit niya.

📷: Boy Tapang/Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Here are the top 10 insurance companies in the Philippines, based on their total premium income in 2021, along with a brief review of each company

EA GUZMAN: 'MY GF IS STILL A VIRGIN...VERY SACRED'

Pahayag ng Cornerstone Management Tungkol Sa Issue Ni Catriona Gray At Sam Milby