Dinumog ng mga residente ang grupo ng social media personality na si Whamos Cruz
LOOK: Dinumog ng mga residente ang grupo ng social media personality na si Whamos Cruz nang pumarada sa piyesta sa Taytay, Rizal nitong Sabado.
Sa video na ibinahagi niya sa Facebook, makikita si Whamos, kasama ang partner na si Antonette Gail at iba pang miyembro ng Team Paangat, na kumakaway sa daan-daang tao na nasa gilid ng kalsada.
Naaliw naman ang mga residente nang kantahin ni Whamos ang "Jopay" ng Mayonnaise.
"Sobrang saya, guys! Sobrang saya!" sey ni Antonette habang kumakaway sa karamihan ng tao na nakikisaya sa Hamaka festival.
📷: Whamoscruz/Facebook

Comments
Post a Comment