FAN PINAGBIGYAN NI DAVID
LOOK: Ibinandera ng isang fan na tinupad ng Kapuso actor na si David Licauco ang kanyang pangarap na mayakap ito.
Ayon sa tweet ni @amaya, noon pang December 28, 2022 ang Instagram note niya pero nito lamang February 15 natupad.
"Thank you @davidlicauco for this amazing day 🫶," aniya.
Nilinaw naman ng fan na nayakap na niya ang "Maria Clara at Ibarra" star noonh January 22.
"Kaso 'di po napicturan kaya wala akong naka-save na picture. Kaya nung Feb. 15, sobrang saya ko kasi naka-hug ko ulit siya at ayun meron na rin pong picture hehe," dagdag ni @amaya.
Napag-alaman ng PUBLIKO na kuha ang larawan sa event ng isa sa mga ine-endorse na products ni David.
📷: @amaya/Twitter; ctto

Comments
Post a Comment