MAJA IKAKASAL SA JULY

Inanunsyo ni King of Talk Boy Abunda na sa darating na July ikakasal ang aktres na si Maja Salvador sa fiance nitong businessman na si Rambo Nuñez.

Sa kanyang programang "Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, sinabi ni Boy na ang mismong kampo ng aktres ang nagbigay ng detalye ukol sa kasal.

“Maja at Rambo have always been generous to the public about many things in their life but, of course, they keep certain things private and, again, we respect that,” aniya.

“Pero sinabi sa amin na ang kasal ni Maja at Rambo ay magaganap July of 2023,” dagdag ng TV host.

Ginawa ng kampo ni Maja ang pahayag makaraang kumalat sa social media ang chika na ikinasal na ang aktres kay Rambo nitong Valentine's Day.


📷: @maja/Instagram

Comments

Popular posts from this blog

Here are the top 10 insurance companies in the Philippines, based on their total premium income in 2021, along with a brief review of each company

EA GUZMAN: 'MY GF IS STILL A VIRGIN...VERY SACRED'

Pahayag ng Cornerstone Management Tungkol Sa Issue Ni Catriona Gray At Sam Milby