400-METRO BOODLE FIGHT INILATAG SA ALBAY
LOOK: Nagsalo-salo ang humigit-kumulang 4,000 residente ng Sto. Domingo sa Albay sa isang boodle fight na bahagi ng selebrasyon ng Kwaw Festival.
Ayon sa ulat, naglatag ang mga opisyal ng bayan ng 400 metrong mesa kung saan inilagay ang 300 kilo ng isdang kwaw, tatlong sako ng kanin, at mahigit 140 kilo ng inihaw na baboy.
Simbolo ito, ayon sa mga opisyal, ng pasasalamat sa karagatan sa masaganang huli ng mga mangingisda.
📷: Herbie Aguas/Facebook



Comments
Post a Comment