Coco Martin SA HANASH NI RENDON LABADOR: HAYAAN N’YO NA
Nagkibit-balikat at nginitian lamang ni Coco Martin ang mga patutsada sa kanya ng social media personality na si Rendon Labador.
"Hayaan n’yo na… ako naman inuunawa ko na lang sila,” matipid na sagot ni Coco nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa sunod-sunod na puna ni Rendon ukol sa nakapeperhuwisyo umanong taping ng teleserye niyang "Batang Quiapo"sa Quiapo.
Inamin naman ng actor-director na tinangka niyang kunin ang serbisyo ni Rendon at kapatid nito para sa nasabing teleserye noong January pero hindi ito natuloy.
📷: @cocomartinph/Instagram; Rendon Labador/Facebook

Comments
Post a Comment