EA GUZMAN: 'MY GF IS STILL A VIRGIN...VERY SACRED'

LOOK: Ibinahagi sa publiko ni Shaira Diaz ang mga sweet snaps nila ng boyfriend na si EA Guzman nang ipagdiwang nila ang kanilang 10th anniversary bilang mag-sweethearts kamakailan.

"Thank you for your unconditional love, care and patience baba. God knows how much I love you. Happy 10th anniversary, my love!" ani Shaira sa Instagram post.

Kaugnay nito, flinex naman ni EA na nanatiling virgin si Shaira at isa ito sa mga katangian ng girlfriend na nagustuhan niya.

"Isa ito sa kinahahangaan ko sa kanya. Sige, sasabihin ko na po. Hindi naman namin ito inilalabas, pero si Shaira po ay still (a virgin)… alam n’yo na!” aniya sa panayam ng Inquirer Bandera.

Hirit pa niya, plano muna nilang pakasal ng girlfriend bago mag-anak.

“Kaya ko siya lalong minamahal. Wala na akong mahahanap na ganu’n. Ang lagi kong naririnig sa kanya ay gusto niyang i-save... kaya after marriage. So, para sa akin, wow!" dagdag ng aktor.

Inilarawan din niya si Shaira bilang "sacred" na babae.

“Totoo po ‘yun, hindi ako nagsisinungaling. Kahit itanong niyo sa kanya. Kaya humanga ako lalo sa kanya. Kaya para sa akin, marriage muna, kasi yun din ang gusto ni Shaira. Nirerespeto ko ang desisyon niyang 'yon. Para sa akin, pareho naman kaming magbe-benefit noon. Napakaganda naman. Kumbaga, para sa akin, very sacred si Shaira!” sey ni EA.

Bago pa lang sila naging magkasintahan, sinabi na sa kanya ni Shaira na walang magaganap sa kanila hangga't hindi sila kasal.

"Kaya para sa akin, kung tatanungin ako kung siya na ba, oo naman. Minahal ko talaga siya lalo. Minahal ko siya hindi lang dahil merong mangyayari sa amin. Minahal ko siya dahil sa pagkatao niya,” chika pa ng aktor.

📷: @shairadiaz_/Instagram

Comments

Popular posts from this blog

Here are the top 10 insurance companies in the Philippines, based on their total premium income in 2021, along with a brief review of each company

Pahayag ng Cornerstone Management Tungkol Sa Issue Ni Catriona Gray At Sam Milby