'KAPRE' MAPAPANOOD NA SA 'BATANG QUIAPO': 'COCO, NAPAKABUTI NG PUSO MO'

Todo-pasalamat naman siya sa aktor-direktor ng programa na si Coco Martin.
"Maraming salamat po talaga, isa po kayong napakabuting tao at napakatulungin n'yo po talaga....Napakabuti ng inyong puso," ani Dillo na nakilala sa kanyang pagganap bilang kapre sa mga pelikula at teleserye.
ADVERTISEMENT
Sa video na ipinost niya sa Facebook, sinabi ni Dillo na nakatanggap siya ng tawag mula sa management at ipinaalam sa kanya na isasama siya sa cast.
"Natawagan na po ako ng production ng Batang Quiapo at napansin na po ni Direk Coco Martin ang aking panawagan. Kaya po nag-uumapaw po ang aking kaligayahan, hindi ko po halos ine-expect ito,” sambit niya.
Matatandaan na umapela ang character actor kay Coco na bigyan siya ng pagkakakitaan dahil natigil na ang kanyang pagtitinda ng mga lutong pagkain.
Pangako naman niya sa publiko na mamahalin niya ang trabahong ibibigay ni Coco.
“Gagawin ko po ang lahat para po mabigyan ko kayo ng kasiyahan sa pamumuhay po sa araw-araw at lubos po talaga ang aking kaligayahan dahil kung hindi dahil sa inyo ay hindi ako mapapansin ni direk idol Coco Martin,” aniya sa netizens.
📷: ctto
Comments
Post a Comment