Lumubog na oil tanker natagpuan na
INIHAYAG ni Occidental Mindoro Gov. Humerlito "Bonz" Dolor na natagpuan na ang lumubog na barkong MT Princess Empress gamit ang remotely operated vehicle (ROV).
ADVERTISEMENT
"Sa wakas, natagpuan na ang MT Princess Empress! Ang unang sulyap sa lumubog na barko gamit ang ROV, lulan ng Japanese vessel na sinalubong natin kahapon at inihatid sa lugar na pinangyarihan ng trahedya," sabi ni Dolor.
Dumating ang barko mula sa Japan na may ROV noong Lunes.
ADVERTISEMENT
Samantala, sinabi ni Dolor na mananatili ang fishing ban sa mga lugar na apektado ng oil spill sa kabila ng ipinalabas na resulta nf pagsusuri sa kalisad ng tubig ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
📷: CTTO

Comments
Post a Comment