VIDEO NG SAKRISTAN NA NAKATULOG SA SERMON NG PARI, VIRAL
Good vibes ang dulot ng video ng isang altar boy sa Nueva Ecija na nakatulog habang nagsesermon ang pari kaya hindi nito nailabas ang siboryo at binahera na gagamitin sa misa.
Sa TikTok video, makikita si Fr. Richard Lagos ng Shrine of the Holy Face of Jesus- Immaculate Conception Parish sa bayan ng Napicuan na natapos na sa homily pero hindi pa rin inilalabas ng sakristan ang sisidlan ng ostiya at lalagyan ng alak at tubig.
ADVERTISEMENT
Naghintay ng ilang sandali ang pari pero nang wala pa ring lumalabas na sakristan ay siya na mismo ang kumuha ng siboryo at binahera.
Doon ay nakita niyang mahimbing na natutulog ang altar boy. Hindi naman niya ito ginambala at lumabas siya saka itinuloy ang misa.
Nang makita ang pangyayari, agad ginising ng kasama ang sakristan na napabalikwas nang malaman ang nangyari.
ADVERTISEMENT
Kamot-ulo na lang ang sakristan nang makitang nasa labas na ang binahera at siboryo.
Sinaluduhan naman ng publiko si Fr. Lagos dahil hindi na nito ginambala sa pagtulog ang sakristan.
"Super bait po talaga yan si Father Richard, as in super dahil nakasama ko siya sa HOPE noong akoy nagturo dyan sa Nampicuan bilang isang Trainer ng Electronic sa mga Rehab Person. Good Job Father."
ADVERTISEMENT
"Father pinakita mo talaga ang kabaitan mo at pangunawa sa iyong altar boy. Nice Father."
"Godbless po father Kasi enintindi nyo Ang sakristan."
"Si Father Richard ay isa s mga pari na sobrang laki ng puso mabait po talaga yan at madaming kabataan ang kanyang natutulungan."
ADVERTISEMENT
"Salamat po Father s pag unawa s mga sakristan kc may anak din po aang sakristan alam ko po ang pagod at hirap s pag aaral pero patuloy p din ciang nag lilingkod sa Panginoon. Mabuhay po kayo."
📷: Fr. Richard Lagos/TikTok





Comments
Post a Comment