Makagwapo Pinagbabayad ni Xander Ford sa mga nagastos sa binyag
Si Christian Merck Grey o mas kilala bilang Makagwapo ang vlogger na tinutukoy ni Xander Ford na isa sa mga ninong na nangakong sasagutin ang binyag ng anak nito pero hindi naman sumipot sa okasyon. Sa Facebook, galit na galit na siningil ni Xander aka Xander Arizala aka Marlou Arizala si Makagwapo na bayaran ang kabuuang nagastos nilang P349,000 para sa binyag ng anak na si Xeres. "MERCK GANTO NALANG BAYARAN MO NALANG YUNG 349K NA IPINANGAKO MO SA AMIN KASI YUN LANG NAMAN YUNG GUSTO KO IPAG PABAN DITO EDI SANA HINDI NALANG MUNA KAMI NAG PABINYAG KUNG ALAM KO LANG NA HINDI MO TUTUPARIN YAN," himutok ni Xander. Paliwanag niya, mismong Makagwapo ang nagboluntaryo na aakuin ang kalahati ng gastos sa binyag nang kausapin niya ito. "NANGANAK YUNG ASAWA KO JANUARY 2023 SANABIHAN KITA KUYA MERCK KUNIN KITANG NINONG THIS TIME SUMAGOT KA SABI MO xLOU SGE WAG KA MAG ALALA SAGOT KO KALAHATI NG BINYAG MO AKO NA GAGASTOS WAG MUNA ISIPIN YAN'," ani Xander. "TAPOS...